Ang pinakanakakainis na bahagi ng The Well of Ascension ay ang pagtransform kay Elend tungo sa
pagka-Mistborn. Nilipat tuloy mula kay Vin papunta sa kanya ang pagkabida.
Sidekick lang dapat s'ya e, ang aristokratang may mali-maling pagkakaintindi sa
demokrasya. Pero hindi naman kasi si Collins si Sanderson, kaya mali-mali ang
sexual politics. Kapantay nito sa lebel ng hindi maaaring mapatawad ang mga
filler scenes sa The Hero of Ages.
Nagskip talaga ako ng mga pahina. Dito rin sa Bands, nagskip ako. Sorry Sanderson, pero hindi naman ako nagbabasa
para bagsakan ng paglalarawan ng mga nagbabarilan na wala namang punto.
Binili ko ang The
Alloy of Law dahil naka-sale ito sa National. Marami talagang interesanteng
ideya si Sanderson, at nabighani ako sa figura ni Miles Hundredlives. Magaling
talaga s'ya sa pagwork out ng magical systems. Tsaka syempre, pag meron namang
punto ang mga eksena ng patayan, exciting basahin ang mga ito.
Bagaman hindi kapani-paniwala ang pagmamahal ni Wayne kay
Ranette (mas gusto ko pa rin 'yung back story n'ya sa Shadows of Self kung saan inaaway s'ya ng anak ng taong pinatay
n'ya, at lagi s'yang nagpepenetensya), talagang malinis ang love story nina Wax
at Steris dito sa Bands. Magaling
talaga si Sanderson sa pagmamahalan, basahin lang ang huling mga talata ng The Final Empire, o ang Steelheart at Firefight. Gayundin, mahusay ang representasyon ng pagfall out of
love ni Marasi kay Wax. Syempre, ideolohikal ang pagturing sa mga tauhan bilang
tao.
Gusto ko rin dito sa libro ang pagsurvive ng Lord Ruler para
kahit papaano ay magpenetensya. (Pero hindi ko gusto ang spoiler na buhay ang
"multo" ni Kelsier. Nag "survive" ang Survivor kasi nga
namatay s'ya. Ano ba namang bahagi ng teolohiyang iyon ang hindi mo magets,
Ginoong Sanderson?) Naiinis ako na meron na namang paraan para magbigay ng
pagka-Mistborn kahit kanino (ang Bands of Mourning ng pamagat), lalo na't
nalaman ko (ngayon lang) na ginawa palang Mistborn si Spook (ni Harmony?) sa
epilogue ng The Hero of Ages (medyo
hindi ako attentive magbasa).
Nakakainis din na lahat na lang binibigay ni Sanderson kay
Harmony. Mahina pa rin ang pagpapaliwanag kung bakit hindi nito tinutulungan
ang mga tao lagi-lagi. Mas gugustuhin ko ang walang hanggang sarap kaysa may
hangganang kalayaan. AT kung tunay nga tayong malaya, dapat pwede tayong pumili
sa pagitan ng dalawang option na 'yan. Para namang tanga si Wax kung maniniwala
s'yang masayang lumipat sa kung saang realm ang kaluluwa ni Lessie (na panay
Leslie ang tawag ko).
Sobrang kupal ni Wayne kay Steris sa Shadows, kaya't mabuti pinagsabihan na s'ya ni Wax dito sa Bands. Speaking of kupal, ang kupal nga
lang ni Telsin/Sequence. At nakakatawa ang pagpatay nila kay Suit.
Akala ko ito na ang huli sa trilohiya. Tetralohiya pala
itong seryeng Wax and Wayne. Okay lang, gusto ko pa rin naman ang mga tauhan.
At talagang walang guilt sa pagskip sa mga pahina ni Sanderson, kasi bagaman
may lalim ang kanyang mga ideya, wala ang mga salita. Samantala, hinihintay ko
ang Calamity na dapat ay tamang
tapusin ang seryeng Reckoners, pati na rin ang Death's End ni Cixin Liu.