U Z. Eliserio: "Mahusay ang Incest"
Tuesday, March 29, 2011
Frasier
Tulad ng marami kong naging trip na palabas, sa Channel 5 ko unang napanood ang Frasier. Tulad din sa ibang napapanood kong sitcoms noon, tumatawa ako kasi dapat sumabay ako sa canned laughter.
Noong mga una kong bisita sa piratahan, itong Frasier ang hinanap ko. Ang swerte ko, kasi nakakuha ako ng "complete" edition. Malas nga lang kasi, una, hindi ito compressed kaya mas mahal, at pangalawa, hindi naman ito complete. Walang seasons 5, 6, 8, 9 at 10. Dapat di ko s'ya panonoorin nang buo, hinanap ko lang 'yung mga gustong episode (halimbawa ang "A Crane's Critique" at "The Impossible Dream" mula sa season 4). Pero nakakatawa e, kaya pinanood ko lahat.
Nabigla ako kasi sa unang episode ng season 11 may "last season on Frasier" akala ko di ko masusundan ang kwento. (Di naman problema, tv ito at pinapasimple lahat.) Mas lalo akong nabigla na nakakatawa ang unang season. Ang sa Seinfeld kasi, hindi. (Nito ko lang napansin na Seinfeld lang naman yata ang may unfunny first season. Hmm...)
Matagal bago ko nahanap ang limang seasons na wala ako. 'Yung 5, nahanap ko sa piratahan (muli, di compressed, pero mura this time). Tas sa wakas, nadiskubre ko ang torrent. Medyo mahirap madownload sa simula ang 8 hanggang 10. Paano walang nagseseed! Pero, ayun nga, napanood ko na lahat. Wow, what an accomplishment! Anong susunod kong gagawin, kakain ng french fries?
Natutuwa rin ako na napanood ko sa wakas ang "A Seal Comes to Dinner," ang tanging episode sa mga pirata ko na sira (kalahati lang ang napanood ko). Salamat Internet!
Sa huling limang season na napanood ko, pinakatrip ko ang 9 at 10. Sa 9 nandun ang "Deathtrap" na gusto ko talaga kasi pangnerd, tsaka may "murder mystery" (at alam n'yo naman ang sinabi ko sa rebyu ko ng The Usual Suspects: "Mystery, I love a good mystery. And The Usual Suspects is one hell of a mystery" [yakers!]). Sa 10 andun ang "Daphne Does Dinner," na nakakatawa kasi merong nahulog na kama.
Sabi sa Wikipedia, Shakespearean comedy daw ang model ng Frasier.
Ang pangarap ko'y lumikha ng sansinukob tulad ng sa Frasier, daming kasing masarap dito: merong detective-detective, merong love story, merong pop-psychology at shemps merong comedy. Sobrang nakakainis nga lang ang mga sexual harassment jokes (dapat talaga wala na si Dan "Bulldog" Briscoe) at minsan merong mga racists jokes na hindi self-aware. At minsan sobrang drama, tulad nung episode kung saan pumunta si Martin sa parole meeting ng nakabaril sa kanya, tsaka 'yung operation episode ni Niles. Pero lahat naman may flaws, at hindi ka aasa ng perfection mula sa isang sitcom mula sa Amerika.
Alam naman nating lahat na para sa akin, mas malaki, mas mahusay. Sa ganito, talagang numero unong palabas pa rin ever ang The Simpsons. Pero, sige na nga, mukhang kailangan ko nang sabihing mas mahusay ang Frasier sa Seinfeld. Huhuhu. Patawarin nawa ako ng Maykapal.

Collected Fictions
Una akong nakakita ng kopya ng librong ito sa A Different Bookstore sa Glorietta. Hindi ko binili. Pagkatapos ng ilang araw, natanto kong mali ang aking ginawa. Bumalik ako sa mall, pero wala na s'ya. Hanap ako nang hanap, taon ang lumipas. Minsan nakakakita ako ng Collected Non-Fictions, at dahil pareho ng disensyo aakalain kong sa wakas ay natagpuan ko na ang librong aking nagawan ng napakalaking kasalanan.
Higit sa limang taon ang lumipas. Wala nang A Different Bookstore sa Glorietta. Pero sa Green Hills, meron pa. Isang libo lang ang laman ng ATM ko noon, pero winithdraw ko pa rin. Di ko na ako papayag na muling magkamali.
At ngayon, sa wakas, nabasa ko na ang lahat ng maikling kwento ni Jorge Luis Borges.
Napakalaking accomplishment! Parang nung matapos kong mapanood ang sampung seasons ng Stargate SG-1. May dalang hiwaga ang mga textong ito. Sa isang episode ng SG-1, tinrap nila Jack ang mga anyong-taong Replicator sa time dilation field ng mga Asgard. Di ko malilimutan ang rurok na eksena: palapit na sina First kay Fifth, mapipigilan nila ang aktibasyon nito at malilipol nila ang buong galaxy. Pero hindi, nagslomo sila--nabitag. At di ko rin makakalimutan ang huling pangungusap ng "The Two Kings and the Two Labyrinths": "Glory to Him who does not die."
Tulad ng marami, una akong nahali ng mga kwento sa "Ficciones." Pero nadiskubre ko sa koleksyong ito ang mga katha sa "Brodie's Report," na para sa akin ay kasing exciting at awe-inspiring ng mga nasa huli. Dahil wala na akong personal anecdotes tungkol kay Borges, maglilista na lang ako. Ito ang listahan ng mga pinakatrip kong kwento mula sa bawat libro.
1. A Universal History of Iniquity: "Et cetera." O sige, hindi ito iisang kwento, pero nasa ilalim sila ng iisang pamagat, at magugustuhan ng mambabasa kahit sunod-sunod basahin.
2. Fictions: "Death and the Compass." Bagaman wasak ang utak ko sa "The Garden of Forking Paths" at "The Lottery in Babylon," pinakagusto ko ang detective novel na ito na kritisismo ng genre.
3. The Aleph: "The Two Kings and the Two Labyrinths." Kupal ang pangungupal kay Neruda at sa mga English major sa "The Aleph," pero mas may sipa ang TT. Sa kasong ito mas nanaig ang sapak kaysa pyrotechnics.
4. The Maker: "A Dialog About a Dialog." Mga dagling matatawag ang nasa loob. Ang "Dialog" ang pinili ko dahil di ko na rin maaalala kung nagpakamatay nga ba ako o hindi.
5. In Praise of Darkness: Walang nanalo. Cute ang mga kwento, pero wala akong nagustuhan. "The Ethnographer" na ang pinakamalapit sa pagiging numbah wan. Di ko na maalala kung alin sa mga libro ni Borges ang sinabi ni Coetzee bilang "walang naidaragdag" sa kanyang kadakilaan.
6. Brodie's Report: "Brodie's Report." Maraming surprises dito, lalo na ang "The Story from Rosendo Juarez," na intertext sa isa sa mga naging sikat na kwento ni Borges, pero pinili ko ang "Report" dahil sa aking mga pinag-aaralan ngayon.
7. The Book of Sand: "The Mirror and the Mask." Dito rin, andaming mahusay. Isa na ang "Sand." Isama mo na ang "The Other." Pero pinakaexciting ang MM.
8. Shakespeare's Memory: "August 25, 1983." Sabay naming binasa ni Ely out loud sa Baguio ang "August," at nang lumabas sa aking mga labi ang mga huling salita nito'y pakiramdam ko panaginip lang ang buong buhay ko.
Bukod sa mga kwento, napakahalaga rin ng mga vorwort at nachwort na matatagpuan sa Collected Fictions. Dito, sinusuma ni Borges hindi lamang ang mga tema ng kanyang likha kundi ang kanilang pagkakapareho ng istilo. Maraming matututunan dito ang mga gugustuhing magsulat.

The Eerie Triangle
Dapat nag-aaral ako ngayon e, pero Pasko naman. Saka gusto ko munang mag-isip.
Hindi ko na maalala kung saan pinalabas ang Eerie, Indiana dito. Kung sa 23 o sa 5. Sa 23, merong The Secret World of Alec Mac. Naintriga ako sa pamagat ng palabas, gusto ko ang tunog ng "Eerie." Tsaka may magandang eksena sa trailer nito. Mga lalakeng pare-pareho ang suot.
Kaya nang makita ko 'tong Eerie Triangle ni Mike Ford, naisip ko, mura lang, mabili na nga. Ayos naman, madaling basahin. Meron exciting part, nung napunta sila sa tunnel, tsaka nung hinahabol sila (pero predictable na ililigtas sila ni Digger). Naiinis ako na bitin ang kwento, pero serye itong libro (part 3 ang Triangle), kaya kung meron akong makitang ibang bahagi babasahin ko na rin.
Nakakatuwa sina Marshall at Simon. Tumatakas sila mula sa bahay pag gabi para galugarin ang kanilang bayan at tuklasin ang mga sikreto nito. Wala silang tiwala sa Mayor, pati na rin sa mga sundalo't pulis. Merong silang tiwala sa media, na isang pagkakamali (espiya pala ang reporter). Nakakapagtaka, 1997 nalathala ang libro pero di pa laganap ang Internet sa kanila. Ganun lang siguro pag sa stereotype nakasalalay ang iyong kaalaman sa mundo.
Gusto kong sumulat ng mga librong tulad nito. Tipong Nightmare Hall series ni Diane Hoh. Iyon ang dapat plano ko sa aking mga kwento tungkol sa UP at Marikina. Pero mahirap magsulat nang mahaba. Sa totoo lang, nahihirapan akong magsulat. Noon pang Nobyembre ako huling nakasulat ng bagong kwento. Lahat ng plano kong irevitalize ang aking pagsusulat ay napupunta sa estero. Kaya nga naisipan kong magrebyurebyu ulit, magmeditatemeditate muli, para makapagpractice.
Sana gumana itong plano ko. Hindi ko alam, hindi ako sigurado. Hard to see, the future is, sabi nga ni Yoda. Mahirap maging bulag sa kapalaran. Pero naniniwala ako sa tadhanang inilalatag ng Panginoon para sa akin. Hayskul ako nang una kong masilayan ang Eerie, Indiana sa telebisyon. Heto ngayon, merong libro sa harap ko, tungkol sa palabas na iyon. Tungkol sa alien. Tungkol sa misteryo. Gusto ko ang pamagat ng librong nakita ko sa Ayala nito lang: The Power of Coincidence.
Sabi nga sa isang kanta, "We all become important when we realize our goal is to figure out our role within the context of the whole." Ayan, nakapag-isip na ako. Panahon na para mag-aral.

Futurama
Sa 23 ko unang napanood ang Futurama. Dahil gawa ni Matt Groening, ginusto kong gustuhin ang palabas. Nagustuhan ko naman. Nakakatawa. Tas, sci-fi pa. Mahusay na kombinasyon (trip ko ang mga comedy episodes sa Stargate at Star Trek, at shemps nakakatawa angStar Wars ['yung 4, 5, 6]).
Ang maganda sa Futurama ay ang paggamit n'ya ng sci-fi archetypes. Halimbawa, paglusob ng mga alien. Pero, sa loob ng archetypal episodes na 'yon, may mga mini-parodies na specific ang targets. Halimbawa, iyong episode sa Twilight Zone kung saan ang huling tao sa mundo'y isang nerd na akala'y maaaari na s'yang magbasa lang nang magbasa habang buhay, tas nahulog ang glasses n'ya at nabasag. Sa Futurama, sabi n'ya, hindi naman ganung kalala ang mga mata n'ya, kaya pa n'yang magbasa ng malaki ang font, tas nahulog ang mga mata. Sabi n'ya, buti na lang marunong ako ng braille, tas nahulog ang mga kamay n'ya.
Ang paborito kong episode ay iyong tungkol kay Yancy, na kapatid ni Fry. Bale, laging minamalas si Fry kaya hinananap n'ya sa Old New York ang kanyang seven leaf clover. Sa imburnal, nakakita s'ya ng estatwa ni Philip J. Fry, pero ang mukha nito'y kay Yancy. Nalaman n'yang ninakaw pala ni Yancy ang kanyang seven leaf clover, at ang kanyang identidad! Sa Internet, Philip ang tawag sa unang taong nakapunta sa Mars, sa bayani na laging maswerte. Kasabay ng kwento ni Fry ay ang flashbacks tungkol kay Yancy.
Nang subukang nakawin ni Fry mula sa libingan ni Philip ang kanyang seven leaf clover, nalaman n'yang di pala ito ang kanyang kapatid, kundi ang kanyang pamangkin. Sa huling flashback, malalaman nating ipinangalan pala ni Yancy ang kanyang anak sa kanyang nawawalang kapatid, na mahal na mahal pala n'ya kahit na lagi silang nagkukupalan noong mga bata pa. Shet, naiyak ako.
Pero shemps itatakwil natin ang mga humanistang kalokohan na 'yan, at ang pahahalagahan natin ay ang mga parodiya.

Curb Your Enthusiasm
Siguro mas exciting ang dating sa aking ng Battlestar Galactica kasi patapos na s'ya, anim na episodes na lang, samantalang ang Lost, 13 pa sa taong ito, at meron pang 17 sa 2010. Kaya naman mas natuwa ako sa pagpatay kay Zarek at Gaeta (lalo na nang magngitian sila) kaysa sa pagpapakilala ni Rousseau kay Jin (although nakakatuwa rin ito).
Pero sige, magsusulat nga pala ako dapat tungkol sa CYE.
Minsan, nakakatamad na rin ang sex jokes. Sa season na 'to, mas naaalala ko ang "I'm anonymous!" tsaka 'yung "The party was last night?" bagaman nakakatawa pa rin 'yung joke tungkol sa cum. Naiisip ko tuloy, pagkatapos ng mga patawa tungkol sa erection, saan tayo patungo?
Gusto ko sa season na 'to ang pang-iiwan ni Cheryl kay Larry. Sa totoong buhay kasi, kakahiwalay lang ni Larry sa kanyang asawa. Kaya siguro, para di naman magmukhang tanga, sa kwento rin ginawa nilang ganun. Sa totoo lang, oks sigurong kaibigan si Larry, pero di nga kasambahay. Masyado s'yang nakakahiya. Tsaka insensitive.
Ang nakakakapagtaka, bakit wala pang season 7? Parang isang taon na ang lumipas a. Pero anyways, tenk yu pa rin Internet, kasi nakaiskor din ako ng pangkumpleto ng ika-2 season ng 30 Rock, pati na rin ng dalawang pelikula ni Fritz Lang. Nakakapagtaka nga lang na ambagal ng pagdl ng Boston Legal. Pagdl ko ng ika-4 na season nito, isusunod ko ang ika-5 (malamang). Tas susubukan ko ulit ang Picket Fences.
Naeexcite ulit ako. Meron akong dalawang bagong webstie na napuntahan. Exciting sila. Feeling ko ito ang kailangan ko. Ang nakakatakot lang, baka mawala ako sa balanse. Sabagay, kung hindi ako ang tunay na ako, di nakakapanghihinayang mawala ito. Baka iyon pa nga ang kailangan para makilala ko--ang tunay na ako.
Baduy!
A, pero siguro Marso ko pa 'to masisimulan. Buzzy ako ngayon e. Buzz buzz. Anyways, sa sobrang busy ko kailangan kong manood ng limang episodes ng 30 Rock nang sunod-sunod. Tas, ayun, hintay ulit ng Webes at Sabado para sa Lost at BSG. What a frakking life.

Who Weeps for the Brogan?
Ang problema ko, hindi ‘yung baduy na twist, kundi ‘yung setting. Sa simula kasi, akala ko post-nuclear apocalypse. Tas bigla, merong mga pulis ba ‘yun o bumbero.
Nakakalito ang usapan, lalo na’t hindi kinakabit sa isang talata ang paglalarawan sa mga tauhan.
Gusto ko ang premise, parang sex fantasy. Dalawang taong nahiwalay sa mundo, (pwersadong) nabubuhay sa isang museum na hindi man lang nila alam na museum. Parang ilang episodes sa SG-1.
Pero ‘yun nga, the last chapter sells the next book. E hampanget ng last chapter nito. So, kahit plano kong maghanap pa ng ibang nobelang pambata ni Hugh Scott nung simula (dahil nahuhusayan nga ako sa premise), ngayong nabasa ko na ang ending, hindi na lang.

Subscribe to:
Posts (Atom)