Tuesday, March 29, 2011

Who Weeps for the Brogan?

Ang problema ko, hindi ‘yung baduy na twist, kundi ‘yung setting.  Sa simula kasi, akala ko post-nuclear apocalypse.  Tas bigla, merong mga pulis ba ‘yun o bumbero.  



Nakakalito ang usapan, lalo na’t hindi kinakabit sa isang talata ang paglalarawan sa mga tauhan.  



Gusto ko ang premise, parang sex fantasy.  Dalawang taong nahiwalay sa mundo, (pwersadong) nabubuhay sa isang museum na hindi man lang nila alam na museum.  Parang ilang episodes sa SG-1 



Pero ‘yun nga, the last chapter sells the next book.  E hampanget ng last chapter nito.  So, kahit plano kong maghanap pa ng ibang nobelang pambata ni Hugh Scott nung simula (dahil nahuhusayan nga ako sa premise), ngayong nabasa ko na ang ending, hindi na lang.