Binigo ako ng Pirate Bay sa paghahanap ko ng pelikulang ito. Buti na lang andyan ang Isohunt. Pilit kong inaalala kung bakit bukod kay Larry David ay gusto ko s’yang panoorin. Pumasok din naman sa utak ko: ‘yung babae n’yang bida, si Marilyn Manson ang boyfriend.
Hindi ko napanood ang Annie Hall, Manhattan at Hannah and Her Sisters ni Allen. Iyon ang sikat sa mga luma. Ang napanood ko ay Bananas, Everyone Says I Love You at Manhattan Murder Mystery. Sa tatlo, iyong huli ang pinakagusto ko kasi detective. Pero tawang-tawa rin sa pagsabi ni Julia Roberts na, “Then I would have to say you’re crazy” kay Allen sa paghihiwalay nila sa Everyone. Iyong Bananas Dolphy ‘yun e.
Ang swerte naman ni Marilyn Manson, lagi ka n’yang kapiling
Hindi malaki ang mga suso ni Evan Rachel Wood, pero sa kaso n’ya ay gagayahin ko ang ginawa ni Boris sa pelikula. Sa simula ay “3” lang ang rating nito sa babae, “5” kung maliligo. Habang tumatagal ay tumataas ang numero, hanggang sa habang napapamahal s’ya rito ay “pretty” at “beautiful” na ang kanyang gamit. [Iclick ito para panoorin si Wood sa “At the Bottom of Everything” music video.]
Gusto ko rin na hindi sex ang habol ng matandang David sa batang Wood, kundi companionship. Dahil dito’y mapapatawad ko nang nagpakasal sila.
Pag swak ang banat ni Boris ng kanyang mga kritisismong panlipunan, kung hindi nakakatawa ay nakakapagpaisip. Kailangan mo ng lisensya para magbenta ng hotdog, pero pag gumawa ng isa pang tao hindi.
Pag swak
Ang kaso hindi laging swak. Minsan nga, sobra na. Halimbawa ‘yung pang-aaway n’ya sa mga estudyante n’ya ng chess. Pati ‘yung tungkol sa concentration camp. Ang Simpsons at Curb Your Enthusiasm may jokes tungkol sa 9/11, at ang Curb merong tungkol sa Holocaust. Kailangan talaga may pag-iingat, kasi para sa mga gustong maging PC tulad ko, minsan walang dating.
Lumang-luma rin ang dating ng pelikula, kahit na inupdate ni Allen ‘yung references (70s pa n’ya sinulat ang script, kaso namatay ‘yung iniisip n’yang gaganap para rito, kaya nashelve). [Iclick ito para basahin ‘yung sanaysay kung saan ko nakuha ‘yung trivia na ‘yan.] Pati ‘yung texture. Pati ‘yung rebellions.
Speaking of rebellions, ang dulong eksena’y nagkasama-sama na silang mga bida. Si Boris at ang bago n’yang karelasyon, si Melody at ang ipinagpalit n’ya kay Boris, ang nanay ni Melody at ang dalawang live in partner nito, ang tatay ni Melody at ang bago nitong boyfriend, New Year’s Eve party nila. So 10, nine, eight, happy new year, ang tatay ni Melody at ang boyfriend nito NAGYAKAPAN. Haller?
Kongk
Pang-TV lang siguro si David. Gusto kong gustuhin ‘to e. Nagustuhan ko naman. Pero tawasin man ako, hindi ko na papanoorin ulit.