Tuesday, March 29, 2011

Twist of Faith

Hate ko talaga si Kassidy Yates.  Mukha s'yang aso.  Tsaka, sinira n'ya ang relasyon nina Jake at Ben Sisko.  Buti na lang sa koleksyong ito, wala s'yang papel.  Tsaka buti na lang, libro ito, hindi ko s'ya nakikita.  Kaya meron na akong bagong hate: si Kira Nerys.




Masyadong maarte si Nerys, lalo na tungkol sa kanyang relihiyon.  Masyado s'yang seryoso.  Actually, sa librong ito, lahat seryoso.  Kaso, sila cool, si Nerys hindi.  Si Ezri Dax, may walong tao sa loob ng utak.  Si Ro Laren, tough.  Tsaka, maganda ang alaala ko sa dalawang ito mula sa television series.  Si Ezri, tanga-tanga.  Si Laren, pinagtaksilan si Picard para sumali sa Maquis.  Si Nerys?  Nagdadasal--at nakikipagtalik sa mga pulitiko.




Ang Twist of Faith ay koleksyon ng apat na nobela at isang nobeleta.  Hindi ko binasa ang nobeletang "Horn and Ivory" kasi puro Nerys POV ito.  Hindi ko malaman kung bakit sa mga rebyu sa Internet, ang ikalawa sa kronolohiya na Abyss nina David Weddle at Jerrrey Lang.  Ang kontrabida ay megalomaniac na genius.  Hindi ako genius, pero megalomaniac ako, at gsusto ko 'yung ideya may mga sumasamba sa iyo.




Mas maganda ang Demons of Air and Darkness, dahil sa ideya ng potral.  Sa tingin ko, ito ang mas astig na paraang ng transportasyon kaysa warp speed (tingnan na lang ang nobelang The Fall of Hyperion ni Dan Simmons; okey din ang pagtalon sa Battlestar Galactica).  Ito ang pinakagusto ko, meron ditong paglalaban ang isang Hirogen at ang Jem'Hadar na si Taran'atar.




Pinakaayaw ko ang Avatar.  Una, kasi ito 'yung nobelang magseset up ng buong serye.  Sabi dito hinahanap ni Jake si Ben, pero hanggang set up lang.  Pangalawa, si Nerys ang dominant POV.  Pangatlo, matagal ang exposure ni Kassidy.  Pangatlo, kadiri ang lq nina Ezri at Julian Bashir.  Pang-apat, mali ang treatment kay Quark.  Gahaman s'ya sa pera, hindi s'ya masamang tao.




Sa kabuuan, masarap ang librong ito.  Matagal na akong hindi nagbabasa ng nobela hanggang madaling araw.  Nakakamiss ang Deep Space 9.  Sana, pwede na lang tayong magbasa ng libro at manood ng DVD buong araw, at wala nang ibang gawin.  Sayang na nga lang at matagal pang darating ang kinabukasang inilalarawan ng Star Trek: walang gutom, paghihirap, gera (well, at least sa Earth).




Gusto ko ring sabihing nakakatawa ang sitcom na Back to You, lalo na at bida nito si Kelsey Grammer.  Kaso, sham na episodes pa lang ang meron ako.  Sana marunong akong magpatawa.  Isa pa: super ganda talaga ng Battlestar Galactica.  Sa wakas, napanood ko na rin ang miniseries.  Gusto ko sanang mapanood ang huling episode ng season 2.  Tsaka 'yung Razor.  Andun si Admiral Caine aka Michelle Forbes aka Ro Laren.  Sana, mayaman ako.  O kaya nakatira sa Earth sa panahon ng Star Trek: The Next Generation.  O kaya, o kaya, o kaya.  Sana sana sana.




Oo nga pala, mahal ko si Portia de Rossi at Kim Chu (mali ang spelling).