Tuesday, March 29, 2011

Theorists of Modern Poetry

Dapat ang babasahin kong sunod sa Routledge Critical Thinkers ay si Spivak.  Kaso naburat ako tungkol sa ethnicity.  Mas makapangyarihan ang dating sa akin nina Azurin, Salazar at Ileto pag bayan, lahi at pagiging subaltern na ang pinag-uusapan.  Kaya ayun, ito na lang mga pasistang sina Pound ang napagdiskitahan ko.








Nakapagtataka




Hindi ko nga magets ‘yung pagsama nito sa seryeng Critical Thinkers.  Hindi sa hindi ako masaya na kasama s’ya, pero usually kasi isang paksa lang.  So, kunwari, Spivak.  Pero meron din pala silang Theorists of Cyber something tsaka the Modern Novel, so sige.  Tutal naman ang turing ng iba kina Derrida modenist na ayaw tumula/magsulat ng nobela (o hindi kaya?).




Ano ba ang okey dito?  Iyong tungkol kina Hulme tsaka Pound, kasi si Eliot bida pa rin para sa marami kaya naengkwentro ko na ang mga sanaysay n’ya.  [Iclick ito para mabasa ang tungkol sa punyetang “objective correlative” na ‘yan.] Iyong pagsasakonteksto sa kanilang mga koneksyong pilosopikal (Bergson, Bradley) at pulitikal (Action Francaise, anti-semitism, pasismo).  



Habang kumakanan ang pulitika ni Hulme, halimbawa, lumalayo s’ya kay Bergson.  Ayon kay Terry Eagleton imbes na magmake excuses for o itago ang katotohanan tungkol sa pagiging makakanan ng mga major writers ng modernismo.  Analisis ang kinakailangan, ang pagpapakita ng kanilang disenchantment sa liberal democrazy.  




Puta ang hirap sundin ‘yung positibo negatibo format ko




Ang hindi ko gusto sa librong ito’y iyong bahagi kung saan dinidiskas ang ilang tula ni Eliot at ang Cantos.  Go theory, no poetry!  (Pero oks ding malaman ang pagiging pagtatagpi-tagpi ng Cantos at ang makasagap ng ilang linya ng binabanggit ang usura na noon ko pa narinig ang existence.  Di ko type, tulad din nung nagsabi.)




Ngayon pag dinidiskas ‘yung economic theories mismo ni Pound, ewan ko lang kung pasista ako, pero dun napupukaw ang aking damdamin.  Kung hindi pwedeng maging major writer, oks na ring maging right wing (major righter).