Hate na hate kahit ng mga fan ng Star Trek: The Next Generation si Wesley Crusher, isa sa mga dahilan ay kung paanong napakaraming episode kung saan s'ya ang nagliligtas sa Enterprise. Ang Wesley ng Atlantis ay si Dr. Rodney Meredith McKay, at may dahilan kung bakit, kahit napakaraming episode kung saan kailangan ang kanyang pagiging sobrang henyo para makaligtas ang mga bida, ay hindi ko s'ya hate. Una, nakakatawa s'ya. Tingnan mo naman ang pangalan, Meredith. Pangalawa, mayabang s'ya. Ewan ko sa 'yo, mahal kong mambabasa, pero hate ko talaga 'yung pahumble effect. At pangatlo, mahina s'ya physically. Kaya s'ya 'yung, halimbawa, napapana sa pigi. At alam n'yo naman ako pagdating sa pigi.
Bumili ako ng pirata ng season 3 ng Atlantis kasi natuklasan kong naguest star pala sa palabas si Connor Trineer, si Trip ng Star Trek: Enterprise. Sa simula, hinahanap ko 'yung season 4, kasi alam ko guest star dun si Robert Picardo, ang Doctor sa Star Trek: Voyager. Gusto ko na kontrabida si Trineer (bilang Michael, isang Wraith na ginawang tao na nagbalik sa pagiging Wraith at itinakwil ng kapwa Wraith kaya naging mad scientist), at bagaman burukrata lang si Picardo (bilang Woosley) ay nakakatawa naman s'ya (lalo na sa panimulang episodes ng season 4, kung saan kasama n'ya si Richard Dean Anderson aka General O'Neil aka MacGyver, na nakakatawa rin).
Una kang pinanood ang season 3, tas ang season 4 (kaso sampung episodes lang, tenk yu pirata), tas season 2 tas season 1. Hate ko si Jason Momoa aka Ronon, ang kanilang Worf (i.e. mainit ang ulong maskulado), kasi hindi s'ya nakakatawa. Sana, niretain na lang nila si Rainbow Sun Francks aka Lt. Ford, kasi una ang pangalan n'ya ang Rainbow Sun, pangalawa mas may appeal ang character n'ya. O kaya, patayin na lang nila si Ronon tas palitan ng mas may buhay na tauhan.
Gusto ko ang paliwanag ng palabas kung bakit maraming tao sa Pegasus Galaxy sa iba't ibang mundo (kasi, noong unang panahon may mga taong umigpaw sa pagiging tao na nagtanim ng mga tao sa iba't ibang mundo sa iba't ibang galaxy). Pero hindi ko matake na hindi man lang sila nagsubok magpaliwanag kung bakit nagkakaintindihan ang mga taga-Earth at ang kanilang mga binibisita. Tutal naman, naipapaliwanag nila ang ibang hi-tech sa pamamagitan ng pagsabing "A, teknolohiya ito ng mga taga-Atlantis noon," e di sana sinabi na lang nila 'yon tas may universal translator sila, e di tapos na.
Hindi ko gusto na puro tao lang sa Pegasus Galaxy (o sige, merong isang episode kung saan nakaengkwentro sila ng non-corporeal beings, pero isa lang 'yun), kahit ang kalaban nilang Wraith ay galing sa mga tao, at ang kalaban nilang Asurans/Replicator ay mukhang tao (robot silang binubuo ng nanites).
Mahilig pumatay ng mga bida at guest stars ang Atlantis. Pinatay nila si Colonel Sumner, si Lt. Ford, si Dr. Carson Beckett (na tunay ko namang ikinalungkot, pero ang sabi sa Internet recurring character daw s'ya sa season 4 at 5), si Dr. Weir (si Torri Higginson, leader ng Atlantis expedition, naging mas interesante s'yang character mula nang pinatay s'ya), pati 'yung sikolohistang hindi ko maalala kung ano ang pangalan.
Mahusay ang palabas. Basta ipagpatuloy nila ang paggamit ng sci-fi archetypes (e.g. body swapping) at panatilihin ang pagpapatawa, hindi sila magkakamali. Sana nga lang meron na ang mga pirata ng kumpletong season 4, at sana magfastforward tayo sa hinaharap para meron nang season 5, tsaka 6, tsaka tsaka tsaka
PS
Akala ko noong kaya meron pa ring mga limang episodes ng Star Trek: Deep Space 9, mga sampung episodes ng Voyager at mga limampung episodes ng TNG ang hindi ko pinapanood ay dahil alam ko na ang plot nila mula sa imdb. Muntik na nga itong mangyari sa Battlestar Galactica. Sa Atlantis ko napatunayan na hindi ito ang kaso. Mas mahirap talagang manood ng stand-alone pag seryoso (i.e. hindi sitcom) ang palabas. Kailangan merong (s)pacing. Tip lang para sa mahilig bumili ng pirata.