Tuesday, March 29, 2011

Reading Seminar XI

Nakakatuwa ang librong ito.  Una, dahil sa The Ambassadors, ang painting na nasa cover nito.  Hayskul pa lang ako nang mabasa ko sa InQuest ang tungkol sa Ambassadors, na painting ng dalawang importanteng tao na may kung anong smudge sa ibaba, na pag tiningnan mo nang off-angel makikita mong bungo (i.e. may simbolo ng kamatayan in the midst of the ambassadors, o kung ano man ang kanilang sinisimbolo).  




Pinagpawisan ako nang malapot sa aking pagtatangkang makita ang bungo. Kung anoanong posisyon ang sinubukan ko.  Ilang buwan ang lumipas, sabi ko pa nga sa marami kong sandali ng pagsuko, siguro kailangan 'yung painting mismo ang tingnan at hindi reproduction.  At ngayong nakita ko na s'ya, hindi ko maibalik ang innocence sa mga mata, lagi na lang andun 'yung bungo.




(Ang librong ito ay koleksyon ng mga sanaysay tungkol sa ika11 seminar ni Jacques Lacan (na s'ya namang binabasa ko ngayon, libro para sa buwan ng Hulyo).  Sa totoo lang, mas masarap basahin ang mga eksplikasyon tungkol kay Lacan kaysa kay Lacan mismo, lalo na't itong Seminar XI ay dinadaot ng mga iskolar dahil malimali ang pagsasalin ni Alan Sheridan.  Pero abangan na lang sa susunod na buwan kung may mapupulot ako sa saling iyon.)




Pangalawa, maraming mahusay na sanaysay sa Reading Seminar XI.  Pinakatrip ko 'yung dalawang kay Jacques-Alain Miller kasi madali s'yang basahin, at isa pang marami s'yang personal na kwento tungkol kay Lacan (kasi manugang s'ya nito, at s'ya ang opisyal na editor ng mga seminar).  Ayos din 'yung kay Eric Laurent.  Meron s'yang binanggit tungkol kay Sartre, na ang No Exit ni Sartre ay "sinagot" ni Lacan sa kanyang "Logical Time and the Assertion of Anticipated Certainty."  




Gusto ko ang ideyang iyon, ang mga texto'y beryson lamang ng ibang teksto.  Bilang pagsasalsal, nais kong ikwento ang nangyari sa akin habang nagbabasa tungkol kay Philip K. Dick.  Nang diniskas sa sanaysay ang kanyang Do Androids Dream of Electric Sheep? (na ginawang pelikulang Bladerunner), kung saan si Deckard ay pulis na humahanting ng mga android na nagpapanggap na tao, natanto kong ganito rin pala ang trabaho ni Pedro sa akingDi Lang Anghel (o sige, hindi eksakto, pero gets n'yo naman di ba?).  Ngayon, nabasa ko angAndroids at napanood ko ang Blade, pero nang isinusulat ko ang Anghel wala sila sa isip ko.




Mahusay shempre ang mga sanaysay ni Bruce Fink at Slavoj Zizek, pero wag na tayong pumunta dun kasi uulitin ko lang naman ang sarili ko sa pagpuri sa kanila.




'Yung ibang contributor medyo hindi masarap basahin.  Feeling ko gusto nilang maging kasing dreamlike ni Lacan.  Kaso ang librong ito'y libro ng mga eksplikasyon, at paano ka mag-eexplicate ng panaginip kung ikaw mismo ay panaginip?  Halos mamatay ako sa kaboringan ni Maire Jaanus, at Amerikano na 'yan a, hindi na Pranses.  Pati ang mahusay sanang mga sanaysay nina Richard Felstein (tungkol sa Alice in Wonderland) at Hanjo Berressem (tungkol sa pagpinta) ay humina ang impact dahil sa kanilang obscurantism.