Tuesday, March 29, 2011

A Reader's Manifesto

Impulse buy, dapat matuto talaga ako ng self control kasi matatagpuan ko naman pala ‘yung original article sa Internets.  [Iclick ito para basahin ang sanaysay sa website ng Atlantic.]  Nakakita kasi ako ng bukas na kopya sa National, e nakakatawa, tas kailangan ko nang umuwi, so binili ko na lang.









Sinuri dito ni B. R. Myers sina Paul Auster, Don DeLillo, Annie Proulx, David Guterson at Cormac McCarthy.  Sa limang ito, si Auster lang ang nabasa ko na, at New York Trilogy lang ‘yon.




Depensa sa hari




Ang masama pa (kasamaan ko anyway), ‘yung Auster parts ang pinakanakakatawa.  Ewan ko, nung binasa ko naman ‘yung Trilogoy namangha ako, tsaka nalungkot.  Pero ‘yung banat ni Myers na:





“Lest anyone claim that minimalism is all about leaving things to the reader’s imagination, note how Auster feels the need to explain not only why the angry tenants yelled and pounded for the elevator — because of the delay! — but also why the party-goers were lined up outside the bathroom: they wanted to use it!”



Natawa talaga ako.  



Para kay Myers, ang mahusay lang basahin ang iyong literary na tunay at ‘yung pop page turner, mula Sister Carrie hanggang sa Carrie.  Gusto ko ito, dahil halos tumutugma sa aking tinitingnan bilang silbi ng pagbabasa: sarap.  [Iclick ito para basahin ang tingin ni Harold Bloom kay King at kina DeLillo at McCarthy.]



Okey din ang panlalait n’ya sa mga talinghaga ni Proulx, bagaman aaminin ko, pag nagsimula nang tumula sa prosa ang nobelista, oks o di naman kay Myers, inaabot na ng kamay ko ang remote ng tv.




Brainwashed




Brainwashed lang siguro ako, o pinalaki na sambahin ang pag puri sa consumerism, pero pag si DeLillo na ang inaatake ni Myers, hindi ko s’ya masakyan.  Ngayon, hindi pa naman ako nakakabasa ng libro ni DeLillo, pero gusto ko ‘yung mga extract na sinipi’t inusig ni Myers.










Isa pa, minsan pag nagpapakita si Myers ng superior prose, mula kina Proust, Woolf, minsan di ko rin magets.  Para bang kasing faker lang ng mga inaaway n’ya.  [Iclick ito para sa nakakatawang rebyu ni Myers sa A Mercy ni Toni Morisson.]




Kongk




Istilo ulit, nakakaasar na.  Siguro kasi, ito lang naman ang meron ang mga manunulat.  Walang espesyal na kaalamang maibabahagi, walang magical access sa realidad, walang nasa labas ng texto.  Si Spivak ang paksa ng Routledge Critical Thinkers book na binabasa ko ngayon, at nagsimula, na naman, ang libro tungkol sa opaque style ng kritiko.



Meron akong nabasa noon, Writing Poetry ni Robert Wallace.  Dito binanggit n’ya ang isang maeengkwentro sa mga klase ng pagsusulat.  ‘Yong makatang may sayad.  Pag sinabi mong malabo ‘yung linyang ito, iyan, ang sasabihin n’ya, sinadya ko ‘yan.  Mas oks na lang sigurong wag mag-aksaya ng panahon sa pang-aaway sa mga ganito.  Ang kaso, sa bansa ni Myers, ang mga mapagpanggap ang mga iniendorso, binibigyan ng award at ipinapabasa sa eskwelahan.