Hindi ko magets ang The Office sa simula, kasi, sabi ng isang tao d’yan, walang laugh track. Pero nang mapanood ko ng buo ang “The Surplus” sa kable, ay, ok, ganun pala, para palang si Homer si Michael.
Meron akong disenchantment sa season 6, at sa tingin ko ito ang magpapaliwanag kung bakit ko gusto ang show.
Hating season 6
Sa s6 kasi, boss na si Jim. So hindi n’ya na pwedeng iprank si Dwight (masyado). Paborito ko pa naman ang mga ‘yun, lalo na ‘yung nagpapadala s’ya ng faxes bilang Future Dwight. Isa pa, sa 6 hindi na pwedeng slacker si Jim. Boss s’ya, at may simpatya ang pagsusulat sa kanya bilang tauhan, kaya hindi na pwedeng kritisismo ito ng burukrasya.
Sa s6 din, konektado pa rin kay Jim, kasal na si Pam. At hindi lang ‘yon, buntis na s’ya. Kaya ayun, pareho na lang din sila ni Jim na responsable. E sila nga ‘yung free spirits dapat e, sila ‘yung hindi nakakain ng corporate world.
Huling punto against 6: ang pagiging evil nina Dwight at Ryan. Mas gusto ko kasing pompous victim si Dwight e, at si Ryan dapat naging temp na lang s’ya forever, wala ‘yung plot sa 4 na naging VP s’ya.
Syempre, iaargue ng iba na kailangan ang mga pagbabagong ito para may “growth” ang characters. Ang sabi ko naman: (a) ba’t sa Simpsons walang growth? at (b) sige, palakihin mo, pera tapusin mo na rin at (c) kung gusto ko ng growth magbabasa na lang ako ng Tom Jones. Si Michael ay pantasya, na pwede kang hindi tumanda. Iyon din ang punto ng pranks ni Jim at Pam. Walang yakapan, walang matutunan, sabi nga ng Dakilang H.
May problema din ako sa ginawa nila kay Jan. Ginawa nilang baliw. Maganda ang love story nila ni Michael e, pero para bigyan ng twist kailangan gawin s’yang uri ng tao na nirerecord ang love making para panoorin pagkatapos para mag-evaluation. Tapos ‘yun pala, ang solusyon sa kanyang kabaliwan ay magkaanak. Hindi pala dapat sa babae ang maging makapangyarihang boss.

Dalawang babae at isang lalake (hindi porn)
Ang pinakagusto kong girlfriend ni Michael ay si Holly. Kasi, sabi nga ni Jim, “dork” s’ya, parang si Michael din. Gustong-gusto ko ‘yung pag pareho silang nagpapacute ng boses (e.g. Yodaspeak). Sayang nga lang at kailangan nilang maghiwalay, at mukhang hindi na babalik si Amy Ryan.
Gustong-gusto ko rin si Erin, at ginoogle ko pa si Ellie Kemper para lang makita ang kanyang mukha. Hindi nakakatawa ang mga sinulat n’ya para sa McSweeney’s [iclick ito para basahin], o ang mga nilabasan n’yang videos [iclick ito para panoorin], pero habang wala pang episode 15 anong gagawin ko?

Ang pinakagusto kong tauhan ay si Dwight. Gusto ko na minace n’ya si Roy at ayaw n’ya ng kabayaran. Gusto ko ang paliwanag n’ya tungkol sa kanilang tradisyon sa pamilya tungkol sa “wild oats.” Gusto ko na kaya n’yang makipagkaibigan kay Andy kahit sa pinagdaanan nila with Angela. Tsaka na marami s’yang weapons na nakatago sa office.
Kongk
Matagal kong pinigilan ang sarili sa panonood ng The Office. Sa totoo lang, kung hindi pa ako nawalan ng Internet ay hindi pa ako nagpabili ng pirata. Pero marami namang bagay ay ganun e, ‘yung dinedeny natin sa sarili, at sobrang sarap pag sa wakas bumigay na rin tayo’t naging totoo sa ating pagnanasa. At ayun pala. Ang sarap palang tumawa. Ang sarap palang magmahal.