Trip na trip ko ang pelikulang Twilight. Gusto ko rin ang New Moon, pero mas gusto ko angTwilight.
Hindi ko maintindihan kung bakit inaaway ng mga tao si Bella. Bampira si Edward at mabibigyan s’ya nito ng kapangyarihan, yaman at walang hanggang buhay. Sino ba naman ang di malulungkot pag nawala ang pagkakataong makasungkit nang ganito kahusay na karelasyon?
Sa totoo lang, kung hindi natin ipapasok ang isyu ng pagmamahal, sino naman ang pipili kay Jacob kung si Edward ang isa pang option? Si Jacob mismo ang nagsabi, kung magkamali s’ya sa galit, wasak ang mukha ni Bella. O mas malala.
Ang tunay na loser ay si Jacob. Kasi s’ya, di tulad ni Bella, umiibig nang taong di kailanman s’ya iibigin pabalik. Pero hindi ko rin naman masasabing buong-buong loser si Jacob, kasi kaya n’yang magbanyuhay tungo sa pagiging lobo habang tumatalon.
Nakakalungkot makakita ng mga pagbasa tulad ng “how twilight works” na sexista’t simplistiko ang pagpapaliwanag sa Twilight. Buti na lang may nakakatawang artikulo tulad nito, ng isang awtor na di trip ang serye pero nakalikha ng magandang bagay mula sa pagkamuhi n’ya.
Nalulungkot ako kasi wala nang palabas at programa at iba pang bagay sa mininova. Tsaka na skip nang skip ang mga palabas sa HA. At para tuloy disyerto ang eztv at tvovermind. Natatakot din ako dahil sa isang bagay, pero ako’y umaasa.