Tuesday, March 29, 2011

Lullaby

Nakakatakot ang librong ito, pero ano bang alam ko, madali akong matakot.  Nagustuhan ko ang Haunted ni Palahniuk, at nagustuhan ko rin ang adaptasyon ng Fight Club.  So, naisip ko habang naghahanap ng nobelistang babasahin, s'ya.  Sa National ang dapat kong bibilhin ayChoke, kasi nirekomenda ito ni Diana Aviado, tsaka sa blurb may binanggit tungkol sa sex.  Hindi ko maalala kung bakit hindi iyon ang binili ko.  Pero ang dapat kong bibilhin ay angSurvivor, kasi mahusay ang pagkakablurb ng banghay nito.  Tas binasa ko ang blurb ng Lullaby, at nakakanegganyo ito.  Kaya ayun, binili ko pareho.




Dapat unti-unti ang pagbabasa ko sa Lullaby. Kaso, nakakatakot ang unang kabanata nito.  So hindi ako makatulog.  Kaya binasa ko na lang hanggnag kalahati, tas inantok na ako.  Ayun, natulog akong bukas ang ilaw.  Kinabukasan, sabi ko unti-unti dapat.  E kaso exciting ang kwento, kaya ayun, tinapos ko.  Nagawa ko namang magpatay ng ilaw.




Nalungkot ako ng pinatay ni Oyster gamit ang katawan ni Helen Boyle ang anak ng babae.  Ang sama n'ya talaga.  Nabasa ko noon ang unang mga talata ng Fight Club, at ngayon ang unang kabanata ng Survivor, at shempre 'yung tungkol sa titi at kandila sa Haunted, at ngayon ko lang natanto na ganun pala ang style ni Palahniuk, may tauhang panay ang banat ng facts.  Gusto ko ang facts sa Lullaby, lalo na 'yung Judas Cow.  Trivia pala, hindi facts.




Gusto ko ang bidang si Carl Streator, kasi pumapatay s'ya ng tao.  Kung alam ko lang ang culling song, andami nang patay ngayon.  Gusto ko rin ang tauhang si Nash, kasi necrophiliac s'ya.  Pero hindi ko gustong pumapatay s'ya ng tao.  Hindi ko gusto 'yung showdown ni Carl at Nash, kasi dapat di na nagkunwari si Carl na gusto n'yang mamatay.  Dapat pinatay na lang n'ya agad si Nash, hindi 'yung hinintay pa n'yang mamatay na s'ya bago magkick in ang kanyang defense mechanism.




Mahusay na nobela.  Sabagay, paano naman kasi magiging hindi magaling ang nagsulat ngHaunted?