Tuesday, March 29, 2011

Larry David: Curb Your Enthusiasm

Noon ko pa hinahanap ‘to, mula nang matapos ko ang unang hanggang limang season ng serye.  Wala sa Mininova at wala sa Pirate Bay.  Pero nito lang, nang hinanap ko ‘yung season 1, ayun, nakita ko kasama ito sa Isohunt.








Nung simula, akala ko hindi ito ‘yung HBO special, kasi iniinterbyu ‘yung mga kaibigan at katrabaho n’ya.  Akala ko DVD extra lang.  Tas bigla, si Jeff Green ‘yung manager daw n’ya.  So ayun, Curb universe naman pala.




Stand Up





Maraming pagkakaiba ang Curb special sa Curb series.  Dito, mas antagonistic si Jeff at Cheryl.  Tsaka dito, hindi blond si Cheryl.  At mas nakakalito, dito meron silang anak!  (Oo, alam kong sa tunay na mundo meron naman talaga silang anak [Iclick ito para panoorin ang pagguest ni Larry at dalawang daughters sa Hannah Montana], pero sa Curb series wala.)






Nung eksena ng unang stand up ni Larry pagkatapos ng sampung taon, nagtakip ako ng mata kasi akala ko mapapahiya s’ya.  Ang sabi kasi sa kanya ng mga kaibigan n’ya, puro dick jokes lang dapat, kasi iba na raw ang audience “ngayon.”  Sabi pa nung babae, “Do you know how many times I’ve been told to show my tits?”  Kaya natuwa ako nang naging successful ‘yung unang routine ni Larry, kahit na hindi naman ako natawa.  




Sa bit ni Larry ko natuklasang Hudyo pala si Monica Lewinsky.  




Nasaan si Susie?




Dito merong kabit si Jeff, pero wala si Susie sa mga eksena, Maris lang s’ya.

Alam kong motif naman ng palabas ang clash ng world-view ni Larry sa ekspektasyon ng Other.  Halimbawa, sa unang episode ng series na nagguest si Julia Louis-Dreyfus, ang isyu ay kung hanggang anong oras pwedeng tumawag sa bahay ng isang kaibigan.  Ito rin naman ang isa sa concerns ng Seinfeld.  Sa “The Lip Reader,” halimbawa, ang tanong ay, kung may nagbreak tas pareho silang imbitado noon pa sa isang parating na party, sino ang dapat umatras?  So gets ko, iyon ‘yung point.  [Iclick ito para mapanood ang isa pang eksena mula sa “The Lip Reader.”]




Pero kahit na alam kong dapat ay naroon ang mga ganung sitwasyon sa palabas, dapat din ay nakakatawa ito.  Dito ang problema ni Larry sa pagbigkas ng pangalan ng isang kakilalang artista ang isyu.  Hindi nakakatawa.




Kongk




Sinabi ko pagkatapos ng isang pangit ng episode ng seventh season, iyong naihian n’ya ang pic ni Jesus, dapat tapusin na ni Larry ‘yung palabas.  Ngayon binabawi ko ‘yon, kasi ang ikapitong season ang Seinfeld reunion season.  Pero iyon nga ang iniwasan n’ya Larry sa serye, at iyon din ang punto ng isang eksena dito, na hindi s’ya kakapit sa Seinfeld para lang panoorin, para lang maituring na nakakatawa.




Nasabi iyon ng huling ep ng season seven, kasi dun iniwan n’ya ang paggawa ng Seinfeldreunion dahil wala naman na s’yang pag-asa with Cheryl, akala n’ya.  Sa dulo, palabas na lang ito at manonood na lang s’ya, hindi na Seinfeld ang buhay n’ya.  Pero sa dulong-dulo, ang tinatawagan pa rin n’ya ay si Julia.  O sige, hindi ‘yon si Elaine, pero si Julia pa rin.  Seinfeld pa rin.




Dapat, may season eight kung saan hanggang ikasiyam na ep lang merong pagbanggit sa Seinfeld.  Iyong huling ep, na dapat ay huling ep hindi lang ng season kundi ng buong serye,Curb lang na Curb.  So, Jeff, Susie, Cheryl.  Tipong tulad ng “The Group,” “The Baptism,”  “The Special Section” at ang ubod ng bangis na “Vehicular Fellatio.”