Tuesday, March 29, 2011

Groundhog Day

Isa sa paborito kong sci-fi archetypes ang Time Loop.  Andaming halimbawa sa Wikipedia tungkol dito, pero ang paborito ko ay ‘yung sa Stargate SG-1.  Iniwan kasi dun ni McGyver ang militar para pwedeng maging sila ni Magnus.








Malamang sa malamang hindi ko napanood ‘tong Groundhog Day noong bata ako, pero nasa utak ko ‘yung eksena kung saan nagpasagasa si Bill Murray sa trak.  Siguro trailer ang napanood ko.




O sige, wala na lang komento tungkol sa mga suso ni Rita




Pero pramis ang ganda n’ya rito.  Kaya siguro nainlab si Bill sa kanya.  Siguro kasi inlab din ako kay Elaine, at pareho silang may long wavy hair.




Kaya ko sa wakas dinownload ‘to ay dahil sa isang nagcomment na ang paborito n’yang eksena ay ‘yung pinagdrive ni Bill si Phil, ‘yung groundhog.  Ang paborito ko naman, nung pinapatunayan ni Bill kay Rita na s’ya ay (isang) diyos.  Tsaka syempre ‘yung mga pagsubok n’ya sa pagpapakamatay (kasaman na nga y’ung pagpapadrive n’ya kay Phil).  Tsaka syempre nung ginamit n’ya ang loop para sa kasamaan.








Kung ako ang mastuck sa loop, bukod sa pagnanakaw ay papatay ako nang paulit-ulit.




Mabagal




Tulad ng maraming pelikula mula sa nakaraan, mabagal ang simula nito.  Sabagay, mabagal din naman ‘yung sa SG-1.  At ‘yun, recent tv show ‘yon, walang excuse.




Sa isang pag-aaral kay Nietzsche na kasama sa Routledge Critical Thinkers, na panget, nasuri ang pelikulang ‘to in relation sa eternal recurrence of the same.  Hinollywood daw ang konsepto, kasi sa dulo nawasak ni Bill ang siklo.  ‘Yun lang ang bahagi ng pag-aaral na ‘yon na mahusay, kasi nga baduy ang pagdating ng ikatlo ng Pebrero.  Kung ako ang gagawa ng pelikula, kahit sa wakas ay minahal na nang tunay ni Bill si Rita, stuck pa rin s’ya sa loop.  At patuloy n’ya itong mamahalin, at ‘yun ang tunay na pagmamahal.




Kongk




Madaling tumawa pag bitter ka.  Pero feeling ko naman hindi lang sa dahil naghahanap ako ng saya sa mga panahon na ‘to kaya ko nagustuhan ang pelikulang ‘to.  Ang sarap kayang imajining paulit-ulit mong pinapatay ‘yung nanakit sa ‘yo.