Tuesday, March 29, 2011

Futurama

Sa 23 ko unang napanood ang Futurama.  Dahil gawa ni Matt Groening, ginusto kong gustuhin ang palabas.  Nagustuhan ko naman.  Nakakatawa.  Tas, sci-fi pa.  Mahusay na kombinasyon (trip ko ang mga comedy episodes sa Stargate at Star Trek, at shemps nakakatawa angStar Wars ['yung 4, 5, 6]).  




Ang maganda sa Futurama ay ang paggamit n'ya ng sci-fi archetypes.  Halimbawa, paglusob ng mga alien.  Pero, sa loob ng archetypal episodes na 'yon, may mga mini-parodies na specific ang targets.  Halimbawa, iyong episode sa Twilight Zone kung saan ang huling tao sa mundo'y isang nerd na akala'y maaaari na s'yang magbasa lang nang magbasa habang buhay, tas nahulog ang glasses n'ya at nabasag.  Sa Futurama, sabi n'ya, hindi naman ganung kalala ang mga mata n'ya, kaya pa n'yang magbasa ng malaki ang font, tas nahulog ang mga mata.  Sabi n'ya, buti na lang marunong ako ng braille, tas nahulog ang mga kamay n'ya.




Ang paborito kong episode ay iyong tungkol kay Yancy, na kapatid ni Fry.  Bale, laging minamalas si Fry kaya hinananap n'ya sa Old New York ang kanyang seven leaf clover.  Sa imburnal, nakakita s'ya ng estatwa ni Philip J. Fry, pero ang mukha nito'y kay Yancy.  Nalaman n'yang ninakaw pala ni Yancy ang kanyang seven leaf clover, at ang kanyang identidad!  Sa Internet, Philip ang tawag sa unang taong nakapunta sa Mars, sa bayani na laging maswerte.  Kasabay ng kwento ni Fry ay ang flashbacks tungkol kay Yancy.




Nang subukang nakawin ni Fry mula sa libingan ni Philip ang kanyang seven leaf clover, nalaman n'yang di pala ito ang kanyang kapatid, kundi ang kanyang pamangkin.  Sa huling flashback, malalaman nating ipinangalan pala ni Yancy ang kanyang anak sa kanyang nawawalang kapatid, na mahal na mahal pala n'ya kahit na lagi silang nagkukupalan noong mga bata pa.  Shet, naiyak ako.




Pero shemps itatakwil natin ang mga humanistang kalokohan na 'yan, at ang pahahalagahan natin ay ang mga parodiya.