Tumigil muna ako sa Routledge Critical Thinkers. Baka kasi maubusan.
Mas gusto ko ang RCT kaysa sa AVIS. Mas malaman kasi ang una. Pero meron din namang sablay sa RCT, halimbawa ‘yung tungkol kay Spivak, tsaka kay Nietzsche. Pero mas maraming sablay ang AVIS. Halimbawa, ‘yung tungkol kay Nietzsche. Dapat ipako sa krus si Michael Tanner.
Mabilis
Wow, ang galing, sabi ko. Tapos na agad ‘yung first chapter. Hindi lang sa dahil maiksi, kundi dahil tapos na ang usapan e, hindi na pinahaba. Mahusay si Gary Gutting sa provocation.
Nagitla ako, halimbawa, sa kanyang mga nakitang koneksyon sa libro ni Foucault tungkol kay Raymond Roussel at sa The Birth of the Clinic. [Iclick ito para maranasan ang katatawanang dulot ng N+7 Machine.]
Nakakatawa rin ‘yung mga pinili n’yang quotes bilang epigraph ng bawat chapter. Paborito ko pa ring Foucault quote: “I am not a professional historian. Nobody’s perfect.”
At walang makakabasa ng “What is an Author?” nang hindi nagbabago ang buhay. Nakakatuwang naiparamdam ni Gutting ang kapangyarihan ng sanaysay ni Foucault sa kanyang maikling diskusyon dito.
Batay
Sa kamatayan ng Diyos, nawala sa pagkakaangkla ang araw. Sa pagbasa ni Gutting sa pagbasa ni Foucault kay Bataille, tila ba ang bayani ngayon ay ang excessive. Pero, kung wala ngang bawal, ang kumikilos na para pa ring may bawal ang tunay na self-creator.
Medyo galit si Gutting kay James Miller. Sa totoo lang, lahat nga yata ng Foucault scholar galit kay Miller e. Na hindi ko maintindihan. Ang galing kaya ng The Passion of Michel Foucault. Sa biblio ni Gutting, the Passions ang nakasulat. Ngek. Si U Eliserio na pala ang proof reader ng OUP.
Kongk
Takte, sirang plaka na ako sa paghiling na sana merong ganitong serye dito. So, press rewind na lang, mahal kong mambabasa.