Tuesday, March 29, 2011

EverQuest 2

Ang gusto ko, umabot ng level 80.  Ang kaso, hanggang level 20 lang mabilis ang takbo ng laro.  Pataas, mas mahirap nang magsolo, kailangan meron kang group.  E ang hirap sumama sa grupo, kasi, bukod sa anti-social ako, iba-iba ang sked ko ng paglalaro.  E ang iba ang gusto regular.  Ano rin ako, sira-ulo.  Minsan, ilang minuto pa lang maglalog out na ako.  Kawawa naman ‘yung mga mag-iisip na committed ako sa kanila.
Ang pinakamataas kong level na toon ay si Scebak.  Level 43 Wizard na s’ya.  Sunod sa kanya ay si Umfeni.  Level 38 Mystic naman.  Dati meron akong level 37 Paladin, kaso dinelete ko.  Sayang ‘yun, kasi meron na s’yang sariling bahay at kasama sa isang guild.  Frustrated kasi ako kasi ang hirap n’yang paakyatin ng level, at isa pa ayoko sa game style ng Paladin.  Pero cute sana kasi may sarili s’yang kabayo, tas pagdating n’ya ng level 30 meron na dapat s’yang squire.
Dalawa pang goal




Bukod sa pag-about ng level 80, gusto ko ring makamit ang label na “Destroyer of Orcs.”  Ang requirement nito ay pumatay ng 10,000 orc.  Mahirap, si Scebak ay lamang isang libo pa lang ang napapatay.  Si Umfeni ay lampas limang daan pa lang.  Pareho silang “Hunter of Orcs” pa lamang ang label.  




Ang huling gusto ko ay magkaroon ng kabayo.  Ngayon, pag Paladin level 20 otomatik pwedeng magkaroon ng kabayo, kailangan lang ng 20 silver.  Pero otomatik ‘yun, ang gusto ko pinaghirapan ng kahit papaano.  So, bibili ako ng kabayo gamit ang perang nakulimbat sa mga pinatay na orc.  Ang pinakamurang kabayo ay 3 platinum, pero pangit ‘yun, ang gusto ko ay ‘yung 4 platinum.  Misty Mustang.  Medyo mabilis na ang takbo.  




So, ito ang plano.  Araw-araw, kailangan kong iangat ng isang level si Scebak at Umfeni.  Sa ganito, kailangan ko lang ng 57 araw para maging 80 si Scebak, at si Umfeni naman 52.  Siguro naman, sa halos dalawang buwan na iyon, makakapatay na rin sila ng tig-10,000 orc at makakakulimbat ng tig-4 na platinum.




Para kay Julian



Merong website na pwede mo nang diretsong bilhin ang isang level 80 na toon, tsaka maraming-maraming platinum [iclick ito para puntahan ang website].  Ang problema, hindi ko naman maintindihan ang metodo, at ang indikasyon ng kaunting naiintidihan ko’y maraming-maraming pera ang kailangan.  




Ayan, meron na akong two-month project.  (Kakabasa ko lang na pwede nang tumaas ng lampas sa level 80 sa Sentinel’s Fate.)