Sometimes I run
Sometimes I hide
Sometimes I'm scared of you
But all I really want is to hold you tight
And treat you right
Be with you day and night
Baby all I need is time
-- Britney Spears
I read over what I said last time, and, believe me, it's not bad at all.
-- Jacques Lacan
Sinimulan kong basahin itong ika-7 seminar ni Lacan noong dulo ng Marso, at akala ko'y hindi ko pa rin s'ya matatapos ngayong Abril. Noong nasa kolehiyo ako, ang una't ikalawang disiplina ko'y pagsusulat. Sabi ko sa guro ko sa poetry, kung babasahin ko si Shakespeare, babasahin ko s'ya sa sarili kong kusa at lapit. Nito ko lang natanto kung gaano ka hungkag ang posisyon kong iyon.
Totoo, di naman talaga kailangang kumuha ng klase para magbasa. Pero kung di ka kukuha ng mga klaseng ito, siguraduhin mong magkukusa ka talaga. Kundi, matutulad ka sa akin. Walang disiplina, mas gusto pang manood ng tv kaysa magbasa. Dati ang proyekto ko'y magbasa ng apat na libro ng isang awtor, isa bawat letra ng alpabeto (ang X ay pagdodoble ng ibang letra). Isang daang libro dapat iyon, kapantay ng rekisito sa mga CW majors.
Kaso, hindi ko nagawa. Kaya naging isang libro kada buwan. Tas naging anim na libro kada buwan. Tas naging isang libro ulit.
Anong kinalaman nito sa etika ng sikoanalisis? Marami. At wala. Nakakainis ang nagsalin na si Dennis Porter. Di tulad ni Bruce Fink, wala s'yang notes. Ang problema pa, ang mga salitang Griyego'y hindi n'ya isinusulat sa alpabetong Romano, kaya di ko man lang mabigkas. Isa sa mga dahilan kung bakit mahirap basahin si Lacan ay dahil hindi naman ako ang target audience n'ya. Ang mga nanonood ng kanyang seminar ay mga pilosopo, sikoanalista at iba pang uri ng intelektwal.
Kaya, halimbawa, pag nagbanggit s'ya ng parilalang Griyego, (1) inaassume n'yang alam na ng nakikinig sa kanya, at (2) kung di ito alam ng nakikinig, gusto ni Lacan na ang paghihirap nito'y mauwi sa pagpunta sa silid-aklatan o bookstore para maghanap ng magtuturo dito ng kahulugan ng parilala. Ito ang anti-spoon feeding na istilo. Kasi nga naman, ang guro, nagtuturo.
Itinuturo lamang n'ya ang daan tungo sa karunungan, hindi s'ya ang pinagmumulan ng karunungan.
Sa aking komentaryo sa Ecrits, sinabi kong mahusay na paraan ng pagbabasa kay Lacan ang pagbabasa muna ng introdukshon bago bawat libro. May problema pala sa metodong ito. At iyon ay: para bang wala na akong naiiintindihan dahil sa sarili kong isip. Halimbawa, sa diskusyon ni Lacan sa Antigone, nabanggit n'ya ang isang silbi ng koro: ang koro ang nasa posisyon para mag-enjoy. Kahit na pagod na ang audience, merong tumatayo para masarapan sa pwesto nila.
Nakatutuwang maintindihan ang konseptong ito. Ngunit naintindihan ko ba ito dahil naiintindihan ko na si Lacan, o dahil binanggit ito ni Slavoj Zizek sa How to Read Lacan?
A, pero ang karunungan naman ay hindi nasusukat sa pag-alam, kundi sa paglikha. Kumpara sa ika-20 at ika-17 seminar ni Lacan, madaling intindihin itong ika-7. At, sa yaman ng mga ideyang nakapaloob, di makapagtatakang mabuntis nito ang aking isip, at magsimula ng bugso ng pagiging produktibo.