Tuesday, March 29, 2011

Curb Your Enthusiasm

Siguro mas exciting ang dating sa aking ng Battlestar Galactica kasi patapos na s'ya, anim na episodes na lang, samantalang ang Lost, 13 pa sa taong ito, at meron pang 17 sa 2010.  Kaya naman mas natuwa ako sa pagpatay kay Zarek at Gaeta (lalo na nang magngitian sila) kaysa sa pagpapakilala ni Rousseau kay Jin (although nakakatuwa rin ito).




Pero sige, magsusulat nga pala ako dapat tungkol sa CYE 




Minsan, nakakatamad na rin ang sex jokes.  Sa season na 'to, mas naaalala ko ang "I'm anonymous!" tsaka 'yung "The party was last night?" bagaman nakakatawa pa rin 'yung joke tungkol sa cum.  Naiisip ko tuloy, pagkatapos ng mga patawa tungkol sa erection, saan tayo patungo?



Gusto ko sa season na 'to ang pang-iiwan ni Cheryl kay Larry.  Sa totoong buhay kasi, kakahiwalay lang ni Larry sa kanyang asawa.  Kaya siguro, para di naman magmukhang tanga, sa kwento rin ginawa nilang ganun.  Sa totoo lang, oks sigurong kaibigan si Larry, pero di nga kasambahay.  Masyado s'yang nakakahiya.  Tsaka insensitive.




Ang nakakakapagtaka, bakit wala pang season 7?  Parang isang taon na ang lumipas a.  Pero anyways, tenk yu pa rin Internet, kasi nakaiskor din ako ng pangkumpleto ng ika-2 season ng 30 Rock, pati na rin ng dalawang pelikula ni Fritz Lang.  Nakakapagtaka nga lang na ambagal ng pagdl ng Boston Legal.  Pagdl ko ng ika-4 na season nito, isusunod ko ang ika-5 (malamang).  Tas susubukan ko ulit ang Picket Fences.



Naeexcite ulit ako.  Meron akong dalawang bagong webstie na napuntahan.  Exciting sila.  Feeling ko ito ang kailangan ko.  Ang nakakatakot lang, baka mawala ako sa balanse.  Sabagay, kung hindi ako ang tunay na ako, di nakakapanghihinayang mawala ito.  Baka iyon pa nga ang kailangan para makilala ko--ang tunay na ako.




Baduy!



A, pero siguro Marso ko pa 'to masisimulan.  Buzzy ako ngayon e.  Buzz buzz.  Anyways, sa sobrang busy ko kailangan kong manood ng limang episodes ng 30 Rock nang sunod-sunod.  Tas, ayun, hintay ulit ng Webes at Sabado para sa Lost at BSG.  What a frakking life.