Ang halik mo
Namimiss ko
Bakit iniwan mo ako?
-- Aegis
Hindi ko alam kung alin ang nauna, pero ang pagpipiliian ay Return of the Jedi at isang libro ng collection ng sci-fi. Isa sa dalawang tekstong ito ang una kong engkwentro sa sci-fi. 'YungReturn, naalala kong pinanood noong bata.
'Yung libro, may mga pamagat na nasa utak ko pa: "The Moon is a Harsh Mistress" (tungkol sa kung ano ang ginawa ng magsing-irog nang malaman nilang parating na ang katapusan ng mundo), tsaka "The Men Who Murdered Mohammed" (recently nalaman kong si Alfred Bester ang nagsulat kaya bumili ako ng Virtual Unrealities n'ya). Meron ding buod na lang ang masheshare ko sa iyo, mahal kong mambabasa: merong isang kwento, perpektong robot na ang kasex ng mga tao (i.e. swak sa kung ano ang gusto mo, mula buhok hanggang boses), merong planetang ang hangin ay hallucinogenic, merong mga kambal (clone?) na nagtatalik.
Exciting ang Return. At ang mga maikling kwento, exciting. Tsaka marami dun sa libro may sex.
Hayskul ako nang lumabas ang special edition ng Star Wars. Nito namang 2006, naengkwentro ko ang seryeng Hyperion ni Dan Simmons. Tsaka shempre nanjan ang Star Trek.
Sa madaling salita, laging nariyan ang sci-fi para sa akin.
Matagal ko nang nakikita ang piratang DVD ng Battlestar Galactica, pero nito ko lang napagdesisyunang bumili nito. Siguro kasi, medyo daunting tapusin ang pitong seasons ngStar Trek: The Next Generation. Sa totoo lang, pakiramdam ko nga taksil ako. Sa limang inkarnasyon ng Star Trek, Enterprise lang ang napanood ko nang kumpleto ('yung orihinal na serye nga, tatlo lang ang napanood ko). Tapos, itong Battlestar, pinanood ko nang tuloytuloy.
Muntik na ngang hindi. Kasi ba naman, merong "previously on Battlestar Galactica" sa unang episode ng unang season. Tas nakakalito pa 'yung visions ni Gaius Baltar. Buti na lang anjan ang Internet para ipaliwanag sa akin ang miniseries mula sa 2003. Tsaka, ewan ko. Meron kasing exciting sa ideya ng ilang libong taong natitira na hinahabol ng mga robot na matalino't mukhang tao. Tsaka charming si Baltar. Tsaka tsaka tsaka.
Crush ko si Number 8 (aka Sharon aka Boomer aka Athena aka Ara Mina).
May mga tekstong parang di sinasadyang pagkauntog sa pader. Mabibigla ka, at hindi nawawala ang sakit pag nauntog ka. Sa mga tekstong tulad ng Battlestar, mabibigla ka't hindi nawawla ang sarap. Para bang nagkaroon ka bigla ng pag-asa, na merong mabuting darating. Na maganda pa ang daigdig.
Halimbawa ng ganito ang epekto sa akin: "Sandkings" ni George R. R. Martin. Reservoir Dogs. Boston Legal. (Iba ang mga tekstong ito sa mga nagbibigay mapa sa iyo, tulad halimbawa ngContingency, irony, and solidarity ni Richard Rorty.)
Ano ba ang maganda sa Battlestar?
Una, kahit na alam mo nang parating, excited ka pa rin sa mangyayari, kasi meron pa ring nangyayari na hindi mo inaasahan. Sa huling episode ng unang season, akala ko'y pinili na ni Boomer ang kumampi sa mga tao. Tas bigla, nang kakamayan na s'ya ni Commander Adama binaril n'ya ito.
Pangalawa ang mga pulitikal na isyung dinadaysek ng palabas: suicide bombing sa unang episode ng ikatlong season, panggagahasang gamit na torture sa mini-arc naPegasus/Resurrection Ship sa ikalawang season.
Merong nagkomento sa tv.com, wag daw isama ang mga pulitikal na pananaw sa pagdidiskas ng palabas. Samantalang ito nga ang pinakaimportanteng aspekto ng Battlestar!
Hindi perpekto ang palabas. Minsan nakakainis talaga si Kara Thrace, at hindi ko mawari kung bakit sobra ang pagmamahal sa kanya ng mga tao (laging sinasabing s'ya ang pinakamahusay na piloto, pero si Athena naman ang pinapadala sa mga importanteng misyon). Minsan din, merong boring na episode (tulad nung tungkol sa ex-wife ni Adama) tsaka disappointing (tulad nung part 2 ng Ressurection Ship).
Pero walang makakapanood ng unang astig na season ang hindi maiinlab sa Battlestar Galactica. Sa sobrang galing ng serye, kaya nitong igpawan ang mga hindi de-kalibreng episode.
Hindi ko itatakwil ang Star Trek. Hindi naman batas na hindi mo pwedeng magustuhan pareho ang dalawang magkaiba. Hindi naman Chicken Joy ang sinigang na baboy. Pero sinungaling ako kung sasabihin kong hindi naapektuhan ng Battlestar Galactica ang aking panlasa.
Ang iniisip ko nga ngayon e: gaano kaya katagal bago mapirata ang ikaapat na season?
At ang mas importanteng tanong: ano ang aking lilikhain bilang pasasalamat sa galak na idinulot ng palabas na ito?