Ang subtitle nito ay “The Desire Called Utopia and Other Science Fictions,” na mas maganda namang pakinggan kaysa “The Cultural Logic of Late Capitalism.”
Dick
Ang bida ni Jameson, sa ikalawang bahagi ng libro, ay si Philip Dick. Si Dick daw ang Shakespeare nila. Tatlong sanaysay ang tungkol kay Dick talaga, ang pinakamahusay ay iyong family resemblances ang approach. Maganda rin ‘yung dalawa, dahil mas nalilinaw nila sa akin kung ano ba talaga ‘yung punyetang Greimas square na ‘yan.

Nakakatawa naman ang “response” ni Jameson sa kritisismo ni Eagleton (sa After Theory) at harsh talaga ang dismissal n’ya sa etika. Ako mismo ay mukhang ethics kaya hindi ko s’ya kakampihan sa debateng ito, pero gusto ko ang istilo n’ya “wala ‘yan, hindi ‘yan productive, eto productive o.”
Ang maganda kay Jameson ay sa gitna ng mga hindi ko maintindihang pangungusap bigla s’yang magbabato ng malaman, para positive reinforcement sa pagtitiis sa kanyang craftsmanship. Tulad na lang, halimbawa, na ang “tema” ay tulad lang din ng banghay at lulan na raw material ng manlilikha at hindi ang sentro ng gawa.

Tsaka tulad nga ng sinabi nina Hardt dun sa intro nila sa The Jameson Reader pag binabasa mo si Jameson ang dami mong bagong textong naeengkwentro. Halimbawa sa mga trip ko rito ‘yung nobeleta ni Asimov (palibhasa seryeng Foundation lang ang alam kong ginawa ni Asimov) tsaka ‘yung magkapatid na Strugatsky (gandang title lang ng Hard to be a God).
Reprint
Isa sa mga problema ko sa libro’y ang pag-uulit ng ilang sanaysay na nasa The Jameson Reader na. Hindi naman talaga kasalanan ninuman, kasi nga ito dapat ‘yung koleksyon n’ya ng mga pagbabasa ng sci-fi at ‘yung reader ay sampler nga. Pero sana bagong sanaysay na lang ang meron dun. [Iclick ito para basahin ang pagbasa n’ya sa Pattern Recognition ni William Gibson.]
Sabi ni Eagleton pwede namang maging difficult na hindi obscurantist. Minsan dito, hindi na ako nakukumbinsing padifficult lang si Jameson. Ganyan naman ang sumpa sa mga katulad kong tuta ng Kano. [Iclick ito para basahin ang rebyu ni Jameson sa Parallax View ni Zizek. Kataka-takang madaling konsumuhin ang sanaysay.
Minsan din wala nang point ang juxtapositions ni Jameson. Tulad na lang dun sa diskusyon n’ya ng trilohiyang Mars ni Robinson. Bigla na lang susulpot si Wallace Stevens, tas si Marx. O sige, may sense pa siguro ang pag-entra ni Marx. Pero si Stevens?
Kongk
Sa totoo lang hindi na dapat ako nagbabasa ng ganito. Dapat puro introduksyon na lang, para madali. Pero kanina nakita ko ‘yung bago n’yang libro tungkol sa Phenomenology of Spirit ni Hegel, tsaka ‘yung Valences of the Dialectic (na dalawang sanaysay na ang nabasa ko, tungkol kay Deleuze at Lacan, parehas obscurantist), tas gusto ko na namang bumili. Adik lang kasi.