Tuesday, March 29, 2011

30 Rock

Crush ko si Tina Fey.  Una, kamukha s'ya ni Helen Hunt.  Pangalawa, sa ikalawang episode ng30 Rock may hint na pwede s'ya sa lesbian relationship (sayang nga lang at hindi pinursue ang anggulong 'yon).  Pangatlo, manunulat s'ya sa sitcom, isa sa marami kong pangarap.  Pang-apat, Elizabeth Lemon ang pangalan n'ya sa 30.




Ang Seinfeld, merong episodes na hindi nakakatawa (halimbawa, ang unang season).  AngArrested Development, merong isang episode na hindi nakakatawa.  Ang Frasier, walang episode na hindi nakakatawa.  Ang 30 Rock, maraming episodes na hindi nakakatawa.  Ang problema, dalawang season pa lamang ang napapanood ko rito.  E hindi naman s'ya Seinfeld.  Sa tingin ko, kung hindi sila mag-aayos, mamatay nang maaga ang sitcom na ito.




Unang problema, asshole si Alec Baldwin.  Ok lang naman ang asshole na characters.  Walang flaw si Baldwin, mayaman s'ya, gwapo, etc.  Hindi pwede ang ganito, kasi walang appeal.  Ikumpara ito sa tauhang si Gob sa Arrested, na asshole din pero loser.  Kaya s'ya loveable at hindi lang nakakatawa.  (Ang artistang gumanap kay Gob ay guest ng ilang episodes sa 30.)  Ang pinakasimpatetikong sandali kay Baldwin ang pag nandun ang nanay n'ya, na inaapi s'ya.




Pangalawang problema, andaming supporting characters.  Sa Seinfeld, apat lang ang bida.  SaFrasier, lima.  Sa Friends, anim.  Bida 'yan a.  Sa 30, dalawa lang.  Si Tina Fey at Alec Baldwin.  O sige, hindi lang sila ang credit sequence star, pero silang dalawa lang ang laging may adventure.  Underutilized si Tracy Morgan, pati na rin si Jenna at Pete.  Pati na rin ang ibang writers.  Patayin mo na lang, kung hindi mo rin naman gagamitin.  Makikita mo sa credit sequence, tas isang linya lang ang meron?




Pangatlong problema, tanggalin na 'yung paghahanap ng love life ni Liz Lemon.  Sa Seinfeld, taken for granted na merong shota ang apat kung kinakailangan, at taken for granted na wala na sila by the next episode.  Hindi sentral ang love life sa plot ng sitcom.  Si Lemon, love sick minsan.  Madalas.  Hindi nakakatawa ang paghahanap ng isang babae ng shota, ng mamahalin/magmamahal sa kanya.




Kung ako lang, tatanggalin ko na si Alec Baldwin sa seryeng ito.  Smug ang tauhan n'ya masyado.  Tas bibigyan ko ng permanenteng shota si Tina Fey.  Ako.  Ayan, masaya na ang lahat.